Wala, eh. Gusto kita

Seenicaetoh
2 min readAug 16, 2024

--

Paniguradong maninibago ang kamay ko sa gagawin kong pagsulat dahil hindi ito kasing pormal, pinag- isipan, at sobrang pinaglaanan ng oras kagaya ng iba kong piyesa.

Sa totoo lang, ngayon ko nga lang gagawin na magsulat ng ganito— 'yung parang nakikipag- usap lang ako.

Sa'yo.

Nakakatawang isipin na aabot talaga ako sa ganito, pero ano naman kasing magagawa ko. Wala, eh. Gusto kita.

Nakakatawang isipin na sa iba kong piyesa, marami akong magagandang salita na naipahayag. Sa "I hope your coffee gets cold", "Paulit- ulit kong ihuhulog ang tinidor", "Can we just talk about cats and pizza?" at marami pang iba.

Pero bakit ngayon na sa totoo ko ng nararamdaman ay wala akong ibang magandang masabi kun'di, "Gusto kita".

Kahit pigain ko ang utak ko ngayon, walang ibang lalabas kung hindi ang gusto kita talaga.

Oh sige, ito na lang. Ay ito, siguro kung may magtatanong bakit kita nagustuhan, ang isasagot ko ayyyyyy...

Una, syempre gwapo ka. Magbibilang pa ba ako? 'Wag na siguro kasi baka panget basahin. Ito, tsaka academic achiever ka. Tapos matalino, masipag, madiskarte, tsaka hoy, ang bango ha.

Dagdag mo pa 'yung singkit ka. Tapos laging malinis ang gupit ng buhok. Mga basketball player nga naman.

Tapos naalala mo nung nakita kitang nakaabang sa tapat ng CAS (College of Arts and Sciences)? Kinilig kaya ako non! Pero kunwari, nonchalant lang ako.

Tsaka pansin ko rin kasi sa'yo, masyado kang gentleman. Maginoo kumbaga. Pero hindi bastos ha.

Nababasa mo kaya 'to? Hala sana 'wag, i-popost ko rin kasi 'to sa medium app. Iyon lang, random 'no. Wala, eh. Gusto kita.

Written by Seenicaetoh

--

--

Seenicaetoh
Seenicaetoh

Written by Seenicaetoh

Writing scares me, yet this is my escape/ Tiktok/fb/IG/X: Seenicaetoh

Responses (2)