Medalya para makaakyat ang MaPa
Dati, parati kong sinasabi sa sarili ko na, "Ayos lang kahit wala akong medalya sa kolehiyo. 'Yung makapagtapos ako ay sapat na."
Lumaki akong parating sakto lang ang alam ko. Pala- intindi ako sa eskwelahan, pero minsan ay alam ko rin kung paano ang maliwaliw. Hindi rin ako sobrang matalino, hindi rin naman puro palakol ang nasa papel ko.
Kung tutuusin, maayos ang buhay estudyante ko. Hindi ko naranasang diktahan ako ng mga magulang ko tungkol sa pag- aaral ko. Ang gusto lang nila ay makapagtapos ako— na gusto ko rin.
Kaya nang tumuntong ako sa kolehiyo, hindi ko gano'n inisip ang sasabihin nila kung magkakaroon man ako ng mababang grado na nangyari na.
Umiyak ba ako? Oo.
Pero hindi ko iyon sobrang dinibdib at inisip, dahil sabi ko, "Grado lang 'yan. Hindi naman iyon ang magiging basehan sa buong pagkatao ko."
Na nagkamali ako.
Dahil paano kung ang nag- iisang gradong iyon na hindi ko naipasa ay ang paraan para makasama kong umakyat sa entablado ang magulang ko?
Wala na ang medalya para makaakyat ang Mama at Papa ko.
Magiging basehan na iyon sa pagtao ko. "Nakapagtapos kang hindi napaakyat ang magulang mo sa entablado."
Oo, hindi. Dahil hindi ako isang Laude.
Isinulat ni Seenicaetoh