May liwanag pa rin naman pagtapos ng ulan
"There's a rainbow always after the rain..." sabi nga sa isang kanta.
Mapahahalagahan mo pa rin kaya kung pagtapos ng ulan ay walang sumilay na bahaghari?
P'wedeng oo, p'wedeng hindi.
P'wedeng oo, kasi naaalala mo 'yung panahon na ang lakas ng agos ng tubig mula sa mga mata mo. Na tipong nakatulog ka na lang sa bigat ng nararamdaman mo.
Pero akalain mo 'yon, kinaya mo. Kahit paggising mo parang nasa makalumang telebisyon ka— black and white.
Walang kulay at sapat ang liwanag para maging masaya ka, kasi tumigil na— ang luha na nagsilbing ulan nung panahon na 'yon. Na nagpasalamat ka dahil kahit papaano, may liwanag pa rin.
P'wedeng hindi, kasi nasanay ka na sa tuwing mawawalan ng kuryente dahil sa lakas ng ulan, may magbubukas ng lente para sa'yo. Hindi ka natatakot. Hindi ka nalulungkot.
Pero nung umalis siya, kahit tumila na ang ulan, takot ka pa rin. Malungkot ka pa rin. Hinahanap mo pa rin siya— ang bahaghari.
Nalimutan mong may liwanag pa rin naman pagtapos ng ulan. Iba lang kapag mayroong siya.
Ang bahaghari.
Isinulat ni Seenicaetoh