(Pinterest)

Kakapit at kakayanin, ulit.

Seenicaetoh
1 min readFeb 6, 2025

--

Simula pa lamang ng taon ay sinubok na ako ng mga pagkakataon. Kung kaya't hindi ko magawang magtiwala sa aking sarili kung makakayanan ko ba na maging masaya sa mga paparating na buwan o magiging mulat ba na hindi basa ang mga mata pagsilay ng araw.

Sabi ng karamihan at base sa personal na karanasan mula noong mga nagdaang taon, ang aral ay maisasapuso lamang pagtapos ng labindalawang buwan. Ngunit ang sa akin ay tila tuwing sasapit ang katapusan na parang sweldong hinihintay para may panghapunan.

Natutuhan ko na 'wag nang humiling pa ng naaayon sa kagustuhan ko. Dahil sa tuwing humihiling ako, iba ang hinahain sa hapag na dapat ay puno ng mga inaasahan kong darating. Nasa ikalawang yugto pa lamang tayo ng taon, ngunit tila pang isang taong luha na ang tumulo mula sa mga mata ko.

Hindi ko pa masasabi na sapat na agad ang mga naranasan ko ngayon para tumigil na lumaban, may sampung buwan at ilang araw pa bago tahakin ulit ang panibagong taon. Kakapit pa rin, tutuloy pa rin.

Isinulat ni Seenicaetoh

--

--

Seenicaetoh
Seenicaetoh

Written by Seenicaetoh

Writing scares me, yet this is my escape/ Tiktok/fb/IG/X: Seenicaetoh

Responses (1)