Pinterest

Hindi ko nais na makasama ka

Seenicaetoh
2 min readOct 13, 2024

--

Gusto kong isama ka sa museyo. Ayoko kasi pumunta roon na mag isa ako, walang maghahawak ng gamit ko kapag kukuha ako ng litrato, o 'di kaya naman ay wala akong makakakuwentuhan.

Ang sabi ko nga, 'wag kang magsusuot ng damit na kulay pula, maglagay ng pabango at mag ayos nang sobra ng iyong buhok. Hindi kita matitingnan; ayokong tingnan ka.

Dahil ang totoo, takot akong makita mo na ikaw ang pinakamagandang sining na nakita ko. 'Wag ka sanang mapikon kung sasabihin kong, "wala namang espesyal sa'yo."

Sumagot ka lang sana ng, "Sa'yo rin naman, wala."

Kung kakain man tayo sa labas, 'wag ka sana tumabi sa akin. Ayokong maamoy ka, hindi ko gusto ang amoy na hindi mo ako gusto. Sa harap lang kita para makita ko nang malinaw na kahit hindi sang ayon sa atin si kupido ay sang ayon naman akong baka mawalan ako ng hininga sa ngiti mo.

Kung bakit kasi pinanganak ako para maging kaibigan mo lang at hindi ka-ibigan mo na lang.

"Ayaw mo ba ng pagkain dito?" Tanong mo.

Kumamot ako sa kilay ko, "Gusto ko." Hindi ko lang gusto na hanggang magkaibigan lang tayo.

Hindi ko naman nais na makasama ka, dahil bakit? Hindi kaya kita gusto...

Kita.

Isinulat ni Seenicaetoh

--

--

Seenicaetoh
Seenicaetoh

Written by Seenicaetoh

Writing scares me, yet this is my escape/ Tiktok/fb/IG/X: Seenicaetoh

Responses (1)