Hindi ako sumulat para sa bagong taon

Seenicaetoh
1 min readJan 3, 2025

--

Magulo na ulit matapos ang masasayang sigawan noong pumatak sa alas dose ang kamay ng orasan

Hindi ko lang kasi mahanap ulit ang tamang salita para sa maayos na ako o kung talaga ba na naging maayos ako bago matapos ang taon at magpalit ng bagong henerasyon. Hindi ako sigurado kung tama ba ang mga binitawan kong salita noong kalahati ng taon, o kung nakalagpas isandaan man lang ba akong ngiti sa loob ng labindalawang buwan.

Ang taon na iyon ay nag- iwan ng tamis at pait sa bawat umagang sinubukan kong imulat ang mata ko. Para tanggaping papasok na naman ako, makikisalamuha at makikisama na naman ako sa mga taong hindi naman ako kailanman pinakitunguan nang maayos.

Pero nang tingnan ko ang sarili ko sa salamin, naluha ako nang maisip ko na kinaya ko. Kaya ko pala? Kinaya ko pala.

Ngunit hindi ako sumulat para sa bagong taon tungkol sa naging karanasan ko dahil ayokong simulan ang taon na may pait pa rin sa akin, sumulat ako kung kailan tatlong araw na ang nakalipas dahil kagaya ng iba, kailangan ko pa rin ng oras para maghilom nang hindi kailangan makisabay sa oras ng iba.

Isinulat ni Seenicaetoh

--

--

Seenicaetoh
Seenicaetoh

Written by Seenicaetoh

Writing scares me, yet this is my escape/ Tiktok/fb/IG/X: Seenicaetoh

No responses yet