Convenience of waiting shed

Seenicaetoh
1 min readSep 4, 2024

--

(Pinterest)

Ang convenient ng waiting shed 'no?

Kasi kapag mainit, p’wede kang magpalipas. Kapag maulan, p’wede kang sumilong. Kapag may hinihintay, p’wede kang manatili. Kaya nga siya tinawag na "waiting shed", kasi para lang siya sa mga tao na may hinihintay dumating. Pero bakit nga ba hindi na lang tayo manatili?

Siguro kasi kahit na convenient siya, may kulang pa rin. Kapag mainit, masakit pa rin sa balat. Kapag maulan, may ampyas pa rin — nilalamig ka pa rin.

Kapag may hinihintay, naiinip ka. Kasi wala namang bago, walang bago sa waiting shed.



Kaya siguro umalis ka sa’kin.

Kasi kapag mainit, siya pa rin ang naaalala mo. Kapag maulan, siya pa rin ang bukambibig mo. May hinihintay ka, alam kong siya pa rin 'yon. Kasi sa’kin, kahit bago na ako, alam kong hindi magiging ako.

Kagaya ng waiting shed, hintayan pa rin ako ng mga tao na may hinihintay bumalik.

Isinulat ni Seenicaetoh

--

--

Seenicaetoh
Seenicaetoh

Written by Seenicaetoh

Writing scares me, yet this is my escape/ Tiktok/fb/IG/X: Seenicaetoh

Responses (1)