Ako ang bahala sa’yo, Mirasol

Seenicaetoh
1 min readNov 5, 2024

--

(Pinterest)

Hindi ka dapat na mangamba kung umulan o kahit kumulimlim man lang. ‘Wag kang mababahala kung walang sumilay na sinag mula kay haring araw. Dahil ako…

Kaya kong ibuhos ang buong ako, mapunan lamang ang kulang sa iyo.

Kung nais mong mapag- isa, hahayaan kita. Kaya kitang tingnan mula sa malayo, may pag- aalala, may pagmamahal, at may pag- iingat. Gawin mo lang ang nais mo, hayaan mo lang din akong alagaan ka.

Hindi hahayaang mabawasan ni isang dahon na bunga ng paghihirap mo. ‘Wag mong isiping nahihirapan ako. Magsabi ka lang kung kailangan mo ng kasama sa tuwing umuulan ang mundo mo, hindi ako magdadala ng liwanag. Bagkus, sasamahan ka lamang, hahawakan at aaluin.

Maiintindihan ko, Mirasol. Kung hindi mo parating kailangan ng sinag mula sa akin. Nakabibighani ka pa rin.

Dahil uulitin ko, kaya kong ibuhos ang buong ako. ‘Wag mong isipin. Ako ang bahala sa iyo, Mirasol.

Isinulat ni Seenicaetoh

--

--

Seenicaetoh
Seenicaetoh

Written by Seenicaetoh

Writing scares me, yet this is my escape/ Tiktok/fb/IG/X: Seenicaetoh

No responses yet